Wednesday, July 27, 2011

Tara Azkals Theme Song :)

Azkals_1

 

Here's a little song I wrote in support of our Philippine Football Team. Please share this with every Pinoy you know! :)

Kinda rushed it to make it to their tournament today. 

Free download of course!

 

Para sa Azkals at lahat ng futbolerong Pinoy!

 

download here

http://www.mediafire.com/?o66ckyrnrynknqd

 

or here

Tara_Azkals_-_The_Silverfilter.mp3 Listen on Posterous

 

Tara Azkals

By: The Silverfilter

Words and Music: Cyril Sorongon

 

 

Nagsimula kahit walang

suporta sa sport na mahal

Tuluy tuloy pa rin tuloy tuloy pa rin

bigla na lamang kumawala

galing Pinoy sumabog na

walang makapipigil!

 

Akala nila wala tayong pambato

Biglang nagulat ang mundo!

 

Tara Azkals

Tungo sa tagumpay, Azkals

Kasama nyo sa buong laban

Pilipinas at buong bayan

Tara Azkals

Tuloy tuloy ang laban

Tara Tara

Tagumpay ay atin na!

 

Dugong Pinoy ay iisa

May halo man o wala

Iisa ang laban. lahat para sa bayan!

Ito ang ating sigaw

Hindi mapapanaw

Pilipinas football  

 

Akala nila wala tayong pambato

Biglang nagulat ang mundo!

 

Tara Azkals

Tungo sa tagumpay, Azkals

Kasama nyo sa buong laban

Pilipinas at buong bayan

Tara Azkals

Tuloy tuloy ang laban

Tara Tara

Tagumpay ay atin na!

 

 

Tara Azkals

Atin ang tagumpay, Azkals

Sama sama tayong lumaban

Pilipinas at buong bayan

Tara Azkals

Para sa inang bayan!

Tara Tara

Tagumpay ay atin na!

 

 

 

__________________________

 

Para sa mga sumusuporta at nais sumuporta sa Azkals:

 

Ituloy natin ang ating suporta sa Azkals kahit ano pa man ang kalabasan ng mga laban manalo man o matalo. Tandaan natin na napakalaki ng naitutulong ng kasalukuyang laban ng ating Philippine team para mailabas ang pangalan ng Pilipinas sa mundo ng Football. Bukod dito, napapaunlad ang mga programang lokal para sa Football at sa mga nais maglaro nito sa buong bansa. 

 

Ang Azkals ay lumaki lagpas sa kanilang paglalaro at hindi na lamang sya isang pangalan ng team. Ito ay naging simbulo ngayon ng pagtanggap ng Pilipino sa football bilang isang sport na maaari nating maging tagumpay para sa bayan at sa buong mundo.

 

Huwag tayong mawalan ng loob kung hindi man tayo makapasok sa World Cup. Marami pang mga laban ang maaari tayong magwagi. Maganda na ang simulain natin at sa kasalukuyang galing natin, malayo ang ating mararating ngunit gaya ng lahat ng bagay, kailangan pa ng oras upang gumaling lalo ang ating mga manlalaro upang tuluyang makipagsabayan sa mga bansang pangunahing sport ay football. Hindi tayo nalalayo. Malapit na tayo kayat dapat ay patuloy tayong sumuporta nang kumalat pa ang kaalaman ukol sa Football at nang dumami pa ang mga taong maglaro nito.

 

Kaya natin. Kaya ng Pilipinas.

 

 

Cy

Posted via email from silverfilter living

No comments: